1 Ikalabinlimang taon noon ng paghahari ni Emperador Tiberio. Si Poncio Pilato ang gobernador sa Judea at si Herodes ang pinuno sa Galilea. Ang kapatid nitong si Felipe ang pinuno sa lupain ng Iturea at Traconite at si Lisanias ang pinuno sa Abilinia.
2 Nang sina Anas at Caifas ang mga pinakapunong pari ng mga Judio, si Juan na anak ni Zacarias ay nakatira sa ilang. Ipinahayag ng Diyos ang kanyang salita kay Juan,
3 kaya't nilibot niya ang mga lupain sa magkabilang panig ng Jordan. Siya'y nangaral, “Pagsisihan at talikuran ninyo ang inyong mga kasalanan at magpabautismo kayo upang kayo'y patawarin ng Diyos.”
4 Sa gayon, natupad ang nakasulat sa aklat ni Propeta Isaias,“Ito ang pahayag ng isang taong sumisigaw sa ilang:‘Ihanda ninyo ang daraanan ng Panginoon.Gumawa kayo ng mga tuwid na landas na kanyang lalakaran!
5 Matatambakan ang bawat libis,at mapapatag ang bawat burol at bundok.Matutuwid ang daang liku-liko,at mapapatag ang daang baku-bako.
6 At makikita ng lahat ng tao ang pagliligtas na gagawin ng Diyos!’”
7 Marami ngang tao ang nagsilapit kay Juan upang magpabautismo. Ngunit sinabi niya sa kanila, “Kayong lahi ng mga ulupong! Sino ang nagbabala sa inyo upang tumakas sa kaparusahang darating?