17 Hawak na niya ang kalaykay upang linisin ang giikan at upang tipunin ang trigo sa kanyang kamalig. Ngunit ang ipa'y susunugin niya sa apoy na di mamamatay kailanman.”
18 Marami pang bagay na ipinapangaral si Juan sa mga tao sa kanyang pamamahayag ng Magandang Balita.
19 Si Herodes man na pinuno ng Galilea ay pinagsabihan din ni Juan dahil kinakasama niya ang kanyang hipag na si Herodias at dahil sa iba pang kasamaang ginagawa nito.
20 Dahil dito'y ipinabilanggo ni Herodes si Juan, at ito'y nadagdag pa sa mga kasalanan ni Herodes.
21 Nang mabautismuhan na ni Juan ang mga tao, binautismuhan din niya si Jesus. Habang nananalangin si Jesus, nabuksan ang langit
22 at bumabâ sa kanya ang Espiritu Santo sa anyong kalapati. Isang tinig mula sa langit ang narinig nila, “Ikaw ang minamahal kong Anak; lubos kitang kinalulugdan.”
23-27a Magtatatlumpung taon na si Jesus nang siya'y magsimulang magministeryo. Ipinapalagay ng mga tao na siya'y anak ni Jose. Ang kanyang mga ninuno ay sina Eli, Matat, Levi, Melqui, Janai, Jose, Matatias, Amos, Nahum, Esli, Nagai, Maat, Matatias, Semei, Josec, Joda, Joanan, Resa, Zerubabel.