4 Sa gayon, natupad ang nakasulat sa aklat ni Propeta Isaias,“Ito ang pahayag ng isang taong sumisigaw sa ilang:‘Ihanda ninyo ang daraanan ng Panginoon.Gumawa kayo ng mga tuwid na landas na kanyang lalakaran!
5 Matatambakan ang bawat libis,at mapapatag ang bawat burol at bundok.Matutuwid ang daang liku-liko,at mapapatag ang daang baku-bako.
6 At makikita ng lahat ng tao ang pagliligtas na gagawin ng Diyos!’”
7 Marami ngang tao ang nagsilapit kay Juan upang magpabautismo. Ngunit sinabi niya sa kanila, “Kayong lahi ng mga ulupong! Sino ang nagbabala sa inyo upang tumakas sa kaparusahang darating?
8 Ipakita ninyo sa pamamagitan ng gawa na nagsisisi na kayo, at huwag ninyong idahilan na mga anak kayo ni Abraham. Sinasabi ko sa inyo, mula sa mga batong ito ay makakalikha ang Diyos ng mga tunay na anak ni Abraham.
9 Ngayon pa ma'y nakahanda na ang palakol sa ugat ng mga punongkahoy; ang bawat punong hindi mabuti ang bunga ay puputulin at itatapon sa apoy.”
10 Tinanong siya ng mga tao, “Kung gayon, ano po ang dapat naming gawin?”