14 Bumalik sa Galilea si Jesus na sumasakanya ang kapangyarihan ng Espiritu. Napabalita sa mga karatig-bayan ang tungkol sa kanya.
15 Nagtuturo siya sa kanilang mga sinagoga at hinahangaan naman siya ng lahat.
16 Umuwi si Jesus sa Nazaret, ang bayan na kung saan siya lumaki. Gaya ng kanyang nakaugalian, pumasok siya sa sinagoga nang Araw ng Pamamahinga. Tumayo siya upang bumasa,
17 at doo'y ibinigay sa kanya ang kasulatan ni Propeta Isaias. Binuksan niya ito sa dakong kinasusulatan ng ganito:
18 “Ang Espiritu ng Panginoon ay sumasaakin,sapagkat hinirang niya ako upang ipangaral sa mga mahihirap ang Magandang Balita.Isinugo niya ako upang ipahayag sa mga bihag na sila'y lalaya,at sa mga bulag na sila'y makakakita.Isinugo ako upang palayain ang mga inaapi,
19 at upang ipahayag na darating na ang panahonng pagliligtas ng Panginoon.”
20 Inirolyo niya ang kasulatan, at matapos isauli sa tagapag-ingat, siya'y naupo. Nakatitig sa kanya ang lahat ng nasa sinagoga,