22 Palibhasa'y alam ni Jesus ang kanilang pag-uusap, sinabi niya sa kanila, “Bakit kayo nag-iisip nang ganyan?
23 Alin ba ang mas madaling sabihin, ‘Pinapatawad ka na sa iyong mga kasalanan,’ o ‘Tumayo ka at lumakad’?
24 Ngunit upang malaman ninyo na ang Anak ng Tao ay may kapangyarihang magpatawad ng mga kasalanan dito sa lupa…” sinabi niya sa paralitiko, “Tumayo ka, buhatin mo ang iyong higaan, at umuwi ka na!”
25 Agad namang tumayo ang lalaki, at sa harap ng lahat ay binuhat niya ang kanyang higaan at umuwing nagpupuri sa Diyos.
26 Nanggilalas ang mga naroroon at nagpuri sila sa Diyos. Sila'y namangha at nagsabi, “Kahanga-hanga ang mga bagay na nasaksihan natin ngayon!”
27 Pagkatapos nito'y lumabas si Jesus at nakita niya si Levi, isang maniningil ng buwis, na nakaupo sa paningilan ng buwis. Sinabi sa kanya ni Jesus, “Sumunod ka sa akin.”
28 Tumayo nga si Levi, iniwan ang lahat, at sumunod at naglingkod kay Jesus.