14 Sila ay sina Simon, na pinangalanan niyang Pedro, si Andres na kapatid nito, sina Santiago, Juan, Felipe, Bartolome,
15 Mateo, Tomas, Santiagong anak ni Alfeo, si Simon na Makabayan,
16 si Judas na anak ni Santiago, at si Judas Iscariote na naging taksil.
17 Pagbaba ni Jesus kasama ang mga apostol, nadatnan nila sa isang patag na lugar ang marami sa kanyang mga alagad, kasama ang napakaraming taong buhat sa Judea, Jerusalem, at mga bayan sa baybaying-dagat ng Tiro at Sidon.
18 Pumaroon sila upang makinig, at mapagaling sa kanilang mga karamdaman. Pinagaling nga sila ni Jesus, pati na rin ang mga pinapahirapan ng masasamang espiritu.
19 Sinisikap ng lahat ng maysakit na makahawak man lamang sa kanya, sapagkat may kapangyarihan siyang nagpapagaling ng lahat ng karamdaman.
20 Tumingin si Jesus sa mga alagad, at sinabi,“Mapalad kayong mga mahihirap,sapagkat kayo'y paghaharian ng Diyos!