22 Isang araw, si Jesus kasama ang kanyang mga alagad ay sumakay sa isang bangka. Sinabi niya sa kanila, “Tumawid tayo sa ibayo.” At ganoon nga ang ginawa nila.
23 Nang sila ay naglalayag na, nakatulog si Jesus. Bumugso ang isang malakas na bagyo at ang bangka ay pinasok ng tubig, kaya't sila'y nanganganib na lumubog.
24 Nilapitan siya ng mga alagad at ginising. “Panginoon, lumulubog na po tayo!” sabi nila.Bumangon si Jesus at pinatigil ang hangin at ang malalakas na alon. Tumahimik naman ang mga ito at bumuti ang panahon.
25 Pagkatapos, sinabi niya, “Nasaan ang inyong pananampalataya?”Ngunit sila'y natakot at namangha. Sinabi nila sa isa't isa, “Sino kaya ito? Inuutusan niya pati ang hangin at ang tubig, at sinusunod naman siya ng mga ito!”
26 Dumaong sila sa lupain ng mga Geraseno, katapat ng Galilea sa kabilang ibayo ng lawa.
27 Pagbaba ni Jesus sa bangka, sinalubong siya ng isang lalaking tagaroon na sinasapian ng mga demonyo. Matagal na itong hindi nagsusuot ng damit, ni ayaw ring tumira sa bahay kundi sa mga kuwebang libingan ito namamalagi.
28 Nang makita si Jesus ay nagsisisigaw ang lalaki, nagpatirapa at sinabi nang malakas, “Jesus, Anak ng Kataas-taasang Diyos, ano ang pakialam mo sa akin? Nakikiusap ako sa iyo, huwag mo akong pahirapan!”