42 Nang papalapit na ang bata, pinangisay na naman ito ng demonyo at bumagsak sa lupa. Ngunit pinalayas ni Jesus ang masamang espiritu at pinagaling ang bata; pagkatapos ay ibinigay sa ama nito.
43 At namangha ang mga tao sa nakita nilang kapangyarihan ng Diyos.Hangang-hanga ang lahat ng mga tao sa ginawa ni Jesus, ngunit sinabi niya sa kanyang mga alagad,
44 “Pakinggan ninyo at tandaan itong sasabihin ko: ang Anak ng Tao ay pagtataksilan at mapapasailalim sa kapangyarihan ng mga tao.”
45 Ngunit hindi nila ito naunawaan sapagkat inilihim sa kanila ang kahulugan nito. Nag-aalangan naman silang magtanong kung anong ibig niyang sabihin.
46 At nagtalu-talo ang mga alagad kung sino sa kanila ang pinakadakila.
47 Alam ni Jesus ang kanilang iniisip kaya't tinawag niya ang isang maliit na bata at pinatayo sa tabi niya.
48 Pagkatapos ay sinabi niya sa kanila, “Ang sinumang tumatanggap sa batang ito alang-alang sa akin ay tumatanggap sa akin; at ang sinumang tumatanggap sa akin ay tumatanggap sa nagsugo sa akin. Ang mapagpakumbabá sa inyong lahat ay siyang magiging pinakadakila.”