11 Kapag kayo'y dinakip nila upang litisin, huwag kayong mababahala kung ano ang sasabihin ninyo. Sa oras na iyon, sasabihin ninyo ang dapat ninyong sabihin, sapagkat hindi kayo ang magsasalita; ang inyong mga sasabihin ay manggagaling sa Espiritu Santo.
12 Ipagkakanulo ng kapatid ang kanyang sariling kapatid upang ipapatay, gayundin ang gagawin ng ama sa kanyang anak, at lalabanan naman ng mga anak ang kanilang mga magulang at ipapapatay ang mga ito.
13 Kapopootan kayo ng lahat dahil sa pagsunod sa akin, ngunit ang manatiling tapat hanggang wakas ang siyang maliligtas.”
14 “Unawain ito ng bumabasa: Kapag nakita na ninyo ang kasuklam-suklam na kalapastanganan na nasa dakong di dapat kalagyan, ang mga nasa Judea ay dapat nang tumakas papuntang kabundukan.
15 Ang nasa bubungan ay huwag nang magtangkang pumasok pa sa bahay upang kumuha ng anuman,
16 at ang nasa bukid ay huwag nang umuwi pa upang kumuha ng balabal.
17 Sa mga araw na iyon, kawawa ang mga nagdadalang-tao at mga nagpapasuso!