32 “Ngunit walang nakakaalam ng araw o ng oras na iyon, kahit ang mga anghel sa langit, o ang Anak man. Ang Ama lamang ang nakakaalam nito.
33 Mag-ingat kayo at maging handa dahil hindi ninyo alam kung kailan ito mangyayari.
34 Ang katulad nito'y isang taong maglalakbay sa malayo. Iniwan niya ang kanyang tahanan sa pamamahala ng kanyang mga utusan. Binigyan niya ang bawat isa ng kanya-kanyang gawain, at inutusan niya ang tanod na magbantay.
35 Gayundin naman, magbantay kayong lagi dahil hindi ninyo alam kung kailan darating ang panginoon ng sambahayan. Ito'y maaaring sa takipsilim, sa hatinggabi, sa madaling-araw, o kaya'y sa umaga.
36 Baka siya'y biglang dumating at maratnan kayong natutulog.
37 Ang sinasabi ko sa inyo'y sinasabi ko sa lahat. Maging handa kayo!”