1 Kinaumagahan, nagpulong agad ang mga punong pari, mga pinuno ng bayan, mga tagapagturo ng Kautusan, at iba pang bumubuo ng Sanedrin. Ipinagapos nila si Jesus, at dinala kay Pilato.
2 “Ikaw ba ang Hari ng mga Judio?” tanong sa kanya ni Pilato.“Ikaw na ang may sabi,” tugon naman ni Jesus.
3 Nagharap ng maraming paratang ang mga punong pari laban kay Jesus
4 kaya't siya'y muling tinanong ni Pilato, “Wala ka bang isasagot? Narinig mo ang dami ng kanilang paratang laban sa iyo.”
5 Ngunit hindi pa rin sumagot si Jesus, kaya't nagtaka si Pilato.
6 Tuwing Pista ng Paskwa, si Pilato ay nagpapalaya ng isang bilanggo, sinumang hilingin sa kanya ng mga taong-bayan.
7 May isang bilanggo noon na ang pangalan ay Barabbas. Kasama siya sa mga nagrebelde, at nakapatay siya noong panahon ng pag-aalsa.