2 “Ikaw ba ang Hari ng mga Judio?” tanong sa kanya ni Pilato.“Ikaw na ang may sabi,” tugon naman ni Jesus.
3 Nagharap ng maraming paratang ang mga punong pari laban kay Jesus
4 kaya't siya'y muling tinanong ni Pilato, “Wala ka bang isasagot? Narinig mo ang dami ng kanilang paratang laban sa iyo.”
5 Ngunit hindi pa rin sumagot si Jesus, kaya't nagtaka si Pilato.
6 Tuwing Pista ng Paskwa, si Pilato ay nagpapalaya ng isang bilanggo, sinumang hilingin sa kanya ng mga taong-bayan.
7 May isang bilanggo noon na ang pangalan ay Barabbas. Kasama siya sa mga nagrebelde, at nakapatay siya noong panahon ng pag-aalsa.
8 Nang lumapit ang mga tao kay Pilato upang hilingin sa kanya na gawin niya ang dati niyang ginagawa,