22 Kanilang dinala si Jesus sa lugar na tinatawag na Golgotha, na ang ibig sabihi'y “Pook ng Bungo.”
23 Siya'y binibigyan nila ng alak na may kahalong mira, ngunit hindi niya ito ininom.
24 Ipinako siya sa krus at saka pinaghati-hatian ang kanyang damit sa pamamagitan ng palabunutan.
25 Ikasiyam ng umaga nang ipako siya sa krus.
26 Isinulat sa itaas ng krus ang paratang laban sa kanya, “Ang Hari ng mga Judio.”
27-28 May dalawang tulisang kasabay niyang ipinako sa krus, isa sa kanan at isa sa kaliwa.
29 Ininsulto siya ng mga nagdaraan, pailing-iling nilang sinasabi, “O ano? Di ba ikaw ang gigiba sa Templo at muling magtatayo nito sa loob ng tatlong araw?