26 Isinulat sa itaas ng krus ang paratang laban sa kanya, “Ang Hari ng mga Judio.”
27-28 May dalawang tulisang kasabay niyang ipinako sa krus, isa sa kanan at isa sa kaliwa.
29 Ininsulto siya ng mga nagdaraan, pailing-iling nilang sinasabi, “O ano? Di ba ikaw ang gigiba sa Templo at muling magtatayo nito sa loob ng tatlong araw?
30 Bumabâ ka sa krus at iligtas mo ngayon ang iyong sarili!”
31 Kinukutya rin siya ng mga punong pari at mga tagapagturo ng Kautusan. Sabi nila sa isa't isa, “Iniligtas niya ang iba ngunit hindi mailigtas ang sarili!
32 Makita lamang nating bumabâ sa krus ang Cristo na iyan na Hari daw ng Israel, maniniwala na tayo sa kanya!”Nilait din siya ng mga nakapakong kasama niya.
33 Nagdilim sa buong lupain mula sa tanghaling tapat hanggang sa ikatlo ng hapon.