13 Pagkatapos nito, umakyat si Jesus sa bundok kasama ang mga taong pinili niya at sumunod sa kanya.
14 Buhat sa mga taong iyon ay pumili siya ng labindalawa na tinawag niyang mga apostol. Hinirang niya ang mga ito upang maging kasa-kasama niya at upang suguing mangaral.
15 Sila ay binigyan din niya ng kapangyarihang magpalayas ng mga demonyo.
16 Ito ang labindalawang hinirang niya: si Simon, na pinangalanan niyang Pedro;
17 sina Santiago at Juan na mga anak ni Zebedeo, sila'y tinawag din niyang Boanerges, na ang kahulugan ay “mga anak ng kulog”;
18 sina Andres, Felipe, Bartolome, Mateo, Tomas, Santiago na anak ni Alfeo, si Tadeo, si Simon na Makabayan,
19 at si Judas Iscariote na siyang nagkanulo kay Jesus.