9 Tinanong siya ni Jesus, “Ano ang pangalan mo?”“Batalyon, sapagkat marami kami,” tugon niya.
10 At nakikiusap siya kay Jesus na huwag silang palayasin sa lugar na iyon.
11 Doon naman sa libis ng bundok ay may malaking kawan ng mga baboy na nagsisikain.
12 Nagmakaawa kay Jesus ang masasamang espiritu, “Pasapiin mo na lamang kami sa mga baboy,”
13 at sila'y pinahintulutan niya. Lumabas nga sa lalaki ang masasamang espiritu at sumapi sa mga baboy. Ang kawan, na may dalawang libo, ay nagtakbuhan sa gilid ng matarik na bangin hanggang sa nahulog ang mga ito sa lawa at nalunod.
14 Tumakbo ang mga tagapag-alaga ng kawan ng baboy at ibinalita sa bayan at sa karatig-pook ang mga pangyayari. Kaya't ang mga tao ay nagpuntahan doon upang alamin ang tunay na nangyari.
15 Paglapit nila kay Jesus, nakita nila ang lalaking dating sinasapian ng mga demonyo; nakaupo ito, nakadamit at matino na ang isip, at sila'y natakot.