1 Mga anak, sundin ninyo ang inyong mga magulang sa Panginoon, sapagkat ito ang nararapat.
2 “Igalang mo ang iyong ama at ina.” Ito ang unang utos na may kalakip na pangakong
3 “Ikaw ay giginhawa at hahaba ang iyong buhay sa lupa.”
4 Mga magulang, huwag kayong gumawa ng mga bagay na ikagagalit ng inyong mga anak. Sa halip, palakihin ninyo sila ayon sa disiplina at katuruan ng Panginoon.
5 Mga alipin, sundin ninyo ang inyong mga amo dito sa lupa nang may buong paggalang, takot at katapatan, na parang si Cristo ang siya ninyong pinaglilingkuran.
6 Gawin ninyo iyan, may nakakakita man o wala, hindi upang mapuri ng mga tao kundi dahil kayo'y mga lingkod ni Cristo at buong pusong sumusunod sa kalooban ng Diyos.