13 Hindi kaila sa inyo kung paano ako namuhay noon bilang masugid na kaanib ng relihiyon ng mga Judio. Walang awa kong inusig ang iglesya ng Diyos at sinikap na ito'y wasakin.
14 Sa relihiyong iyon, ako'y naging masugid nang higit sa maraming Judiong kasing-edad ko, dahil ako'y panatiko sa kaugalian ng aming mga ninuno.
15 Ngunit sa kagandahang-loob ng Diyos, minabuti niyang ako'y piliin bago pa ako ipanganak, at tinawag niya ako upang maging isang lingkod niya.
16 At nang ihayag sa akin ang kanyang Anak, upang maipangaral ko siya sa mga Hentil, hindi ako humingi ng payo kaninuman.
17 Ni hindi rin ako nagpunta sa Jerusalem upang makipagkita sa mga apostol na nauna sa akin; sa halip, nagpunta ako sa Arabia, at pagkatapos ay bumalik ako sa Damasco.
18 Pagkaraan ng tatlong taon, pumunta ako sa Jerusalem upang makipag-usap kay Pedro, at labinlimang araw kaming nagkasama.
19 Wala akong nakitang iba pang apostol maliban kay Santiago na kapatid ng Panginoon.