21 Sabihin nga ninyo sa akin, kayong nagnanais mapasailalim ng Kautusan, hindi ba ninyo napapakinggan ang sinasabi sa Kautusan?
22 Sinasabi roon na si Abraham ay nagkaanak ng dalawang lalaki, isa sa alipin at isa sa malaya.
23 Ang anak niya sa alipin ay ipinanganak sa karaniwang paraan, ngunit ang anak niya sa malaya ay katuparan ng pangako ng Diyos.
24 Ito'y isang paghahambing. Ang dalawang babae ay larawan ng dalawang kasunduan, ang isa ay ang tipan sa Bundok ng Sinai na kinakatawan ni Hagar at ng kanyang mga anak, na pawang mga alipin.
25 Si Hagar ay kumakatawan sa Bundok ng Sinai na nasa Arabia, at larawan ng kasalukuyang Jerusalem na nasa pagkaalipin, kasama ng kanyang mga mamamayan.
26 Ngunit ang Jerusalem na nasa langit ay malaya, at siya ang ating ina.
27 Ayon sa nasusulat,“Magsaya ka, O babaing hindi magkaanak!Humiyaw ka sa galak, ikaw na hindi pa nakaranas ng hirap sa panganganak!Sapagkat higit na marami ang anak ng babaing nangungulilakaysa babaing may asawa.”