5 Nilipol nga ng mga Judio ang kanilang mga kaaway at ginawa nila ang kanilang gusto sa lahat ng napopoot sa kanila.
6 Sa lunsod lamang ng Susa, limandaan ang kanilang napatay.
7 Kasama sa napatay sina Farsandata, Dalfon, Aspata,
8 Porata, Adalia, Aridata,
9 Parmasta, Arisai, Aridai at Vaizata,
10 pawang mga anak ni Haman na anak ni Hamedata at kaaway ng mga Judio. Ngunit hindi nila sinamsam ang ari-arian ng kanilang mga kaaway.
11 Nang araw ring iyon, umabot sa kaalaman ng hari ang bilang ng napatay sa Lunsod ng Susa.