1 Ang Israel ay tulad ng punong ubas na mayabongat hitik sa bunga ang mga sanga.Habang dumarami ang kanyang bunga,dumarami rin naman ang itinatayo niyang altar.Habang umuunlad ang kanyang lupain,lalo niyang pinapaganda ang mga haliging sinasamba.
2 Marumi ang kanilang pusoat ngayo'y dapat silang magdusa.Wawasakin ni Yahweh ang kanilang mga altar,at sisirain ang mga haliging sinasamba.
3 Ngayon nama'y sasabihin nila,“Wala kaming hari,sapagkat hindi kami sumasamba kay Yahweh.Ngunit ano nga ba naman ang magagawa ng isang hari para sa amin?”
4 Puro siya salita ngunit walang gawa;puro pangako ngunit laging napapako;ang katarungan ay pinalitan ng kawalang-katarungan,at ito'y naging damong lason na sumisibol sa buong lupain.