1 Kaya't tatawagin ninyo ang inyong mga kapwa Israelita na “Ammi” at “Ruhama”.
2 Pakiusapan mo ang iyong ina, pakiusapan mo siya,sapagkat hindi ko na siya itinuturing na asawa,at wala na akong kaugnayan sa kanya.Pakiusapan mo siyang itigil ang pangangalunya,at tigilan na ang kanyang kataksilan.
3 Kung hindi'y huhubaran ko siyatulad ng isang sanggol na bagong silang;gagawin ko siyang tulad ng disyerto,tulad ng isang tigang na lupa,at hahayaan ko siyang mamatay sa uhaw.
4 Hindi ko kakahabagan ang kanyang mga anak,sapagkat sila ay mga anak sa pagkakasala.
5 Ang kanilang ina ay naging taksil na asawa;at siyang sa kanila'y naglihi ay naging kahiya-hiya.Sinabi pa nga niya, “Susundan ko ang aking mga mangingibig,na nagbibigay ng aking pagkain at inumin,ng aking damit at balabal, langis at alak.”
6 Dahil dito, haharangan ko ng mga tinik ang kanyang mga landas;paliligiran ko siya ng pader,upang hindi niya matagpuan ang kanyang mga landas.
7 Hahabulin niya ang kanyang mga mangingibig,ngunit sila'y hindi niya maaabutan.Sila'y kanyang hahanapin,ngunit hindi niya matatagpuan.Kung magkagayon, sasabihin niya,“Babalik ako sa aking unang asawa,sapagkat higit na mabuti ang buhay ko sa piling niya noon kaysa kalagayan ko ngayon.”
8 Hindi niya kinilalangako ang nagbigay sa kanyang pagkaing butil, ng alak at ng langis.Sa akin nanggaling ang pilakat ginto na ginagamit niya sa pagsamba kay Baal.
9 Kaya't babawiin koang pagkaing butil na aking ibinigaymaging ang bagong alak sa kapanahunan nito.Babawiin ko rin ang mga damit at balabal,na itinakip ko sa kanyang kahubaran.
10 Ngayo'y ilalantad ko ang kanyang kahubaransa harapan ng kanyang mga mangingibig,walang makakapagligtas sa kanya mula sa aking mga kamay.
11 Wawakasan ko na ang lahat ng kanyang pagdiriwang,ang mga kasayahan at mga araw ng pangilin,gayundin ang lahat ng itinakda niyang kapistahan.
12 Sasalantain ko ang kanyang mga ubasan at mga punong igos,na sinasabi niyang upa sa kanya ng kanyang mga mangingibig.Lahat ng iyan ay kakainin ng mga hayop,at masukal na gubat ang kauuwian.
13 Paparusahan ko siya dahil sa mga kapistahan, na kanyang ipinagdiwang sa karangalan ni Baal;nagsunog siya ng insenso sa mga diyus-diyosan,nagsuot din siya ng mga singsing at alahas,pagkatapos ay humabol sa kanyang mga mangingibig,at ako'y kanyang nilimot, sabi ni Yahweh.
14 “Ngunit masdan mo, siya'y muli kong susuyuin,dadalhin ko sa ilang,kakausapin nang buong giliw.
15 Doon ay ibabalik ko sa kanya ang kanyang mga ubasan,at gagawin kong pinto ng pag-asa ang Libis ng Kaguluhan.Tutugon naman siya tulad noong panahon ng kanyang kabataan,nang siya'y ilabas ko sa lupain ng Egipto.”
16 “At sa araw na iyon,” sabi ni Yahweh, “Ang itatawag mo sa akin ay ‘Aking Asawa,’ at hindi mo na ako tatawaging ‘Aking Baal.’
17 Sapagkat ipalilimot ko na sa iyo ang mga pangalan ng mga Baal, at hindi na muling ipababanggit ang mga ito.
18 Sa araw na iyon, alang-alang sa iyo, makikipagkasundo ako sa mga hayop sa parang, sa mga ibon sa kalawakan, sa mga nilikhang sa lupa'y gumagapang. Aalisin ko sa lupain ang pana, ang espada at ang digmaan. Upang kayo'y makapagpahingang matiwasay.
19 Ikaw ay magiging aking asawa magpakailanman, Israel;mabubuklod tayo sa katuwiran at katarungan,sa wagas na pag-ibig at sa pagmamalasakit sa isa't isa.
20 Ikaw ay magiging tapat kong asawa,at kikilalanin mong ako nga si Yahweh.”
21 “Sa araw na iyon,” sabi ni Yahweh,“Tutugunin ko ang panalangin ng aking bayan,magkakaroon ng ulan upang ibuhos sa lupa.
22 Sa gayon, sasagana sa lupain ang pagkaing butil, ang alak at ang langis.Ito naman ang katugunan sa pangangailangan ng Jezreel.
23 Sa panahon ding iyon ay ibabalik ko ang mga Israelita sa kanilang lupain.Kahahabagan ko si Lo-ruhama,at sasabihin ko kay Lo-Ammi, ‘Ikaw ang aking Bayan’,at tutugon naman siya, ‘Ikaw ang aking Diyos.’”