1 “Halikayo, tayo'y manumbalik kay Yahweh;sapagkat ang nanakit ay siya ring magpapagaling.Siya ang nanugat, kaya't siya rin ang gagamot.
2 Sa loob ng dalawang araw ay mapapalakas niya tayo;sa ikatlong araw, tayo'y kanyang ibabangon,upang tayo'y mabuhay sa kanyang harapan.
3 Halikayo't kilalanin natin si Yahweh, sikapin nating siya'y makilala.Kasintiyak ng pagdating ng bukang-liwayway, darating siyang walang pagsala,tulad ng patak ng ulan sa panahon ng taglamig,tulad ng tubig-ulan na nagpapasibol sa mga halaman.”
4 “Ano ang gagawin ko sa iyo, Efraim?Ano ang gagawin ko sa iyo, Juda?Ang pag-ibig ninyo sa akin ay tulad ng ulap sa umaga,gaya ng hamog na dagling napapawi.
5 Kaya nga, pinarusahan ko kayo sa pamamagitan ng mga propeta,at pinagpapatay sa pamamagitan ng aking mga salita;simbilis ng kidlat ang katuparan ng aking hatol.
6 Sapagkat wagas na pag-ibig ang nais ko at hindi handog,pagkilala sa Diyos sa halip na handog na sinusunog.
7 “Ngunit tulad ni Adan ay sumira kayo sa ating kasunduan,nagtaksil kayo sa aking pag-ibig.
8 Ang Gilead ay lunsod ng mga makasalanan,tigmak sa dugo ang mga lansangan nito.
9 Nagkakaisa ang mga pari,parang mga tulisang nag-aabang sa bibiktimahin.Pumapatay sila sa daang patungo sa Shekem;mabigat na kasalanan ang ginagawa nila.
10 Kahindik-hindik ang nakita ko sa sambahayan ni Israel.Ang Efraim ay nalulong na sa kalaswaan; ang Israel naman ay nahandusay sa putikan.
11 “Nakatakda na rin ang parusa sa iyo, Juda,sa sandaling ibalik ko ang kasaganaan ng aking bayan.