3 Ngayon nama'y sasabihin nila,“Wala kaming hari,sapagkat hindi kami sumasamba kay Yahweh.Ngunit ano nga ba naman ang magagawa ng isang hari para sa amin?”
4 Puro siya salita ngunit walang gawa;puro pangako ngunit laging napapako;ang katarungan ay pinalitan ng kawalang-katarungan,at ito'y naging damong lason na sumisibol sa buong lupain.
5 Matatakot at mananaghoy ang mga taga-Samariadahil sa pagkawala ng mga guya sa Beth-aven.Ipagluluksa ito ng sambayanan;mananangis pati mga paring sumasamba sa diyus-diyosan,dahil sa naglaho nitong kaningningan.
6 Ang diyus-diyosang ito'y dadalhin sa Asiriabilang kaloob sa dakilang hari.Mapapahiya ang Efraim,at ikakahiya ng Israel ang mga itinuring nilang diyos.
7 Ang hari ng Samaria ay mapapahamaktulad ng sanga na tinatangay ng tubig.
8 Wawasakin ang mga altar sa burol ng Aven,na naging dahilan ng pagkakasala ng Israel.Tutubo ang mga tinik at dawag sa mga altar,at sasabihin nila sa kabundukan, “Itago ninyo kami,”at sa kaburulan, “Tabunan ninyo kami.”
9 Sinabi ni Yahweh, “Ang Israel ay patuloy sa pagkakasala;mula pa noong sila'y nasa Gibea.Dahil dito'y aabutan siya ng digmaan sa Gibea.