5 Matatakot at mananaghoy ang mga taga-Samariadahil sa pagkawala ng mga guya sa Beth-aven.Ipagluluksa ito ng sambayanan;mananangis pati mga paring sumasamba sa diyus-diyosan,dahil sa naglaho nitong kaningningan.
6 Ang diyus-diyosang ito'y dadalhin sa Asiriabilang kaloob sa dakilang hari.Mapapahiya ang Efraim,at ikakahiya ng Israel ang mga itinuring nilang diyos.
7 Ang hari ng Samaria ay mapapahamaktulad ng sanga na tinatangay ng tubig.
8 Wawasakin ang mga altar sa burol ng Aven,na naging dahilan ng pagkakasala ng Israel.Tutubo ang mga tinik at dawag sa mga altar,at sasabihin nila sa kabundukan, “Itago ninyo kami,”at sa kaburulan, “Tabunan ninyo kami.”
9 Sinabi ni Yahweh, “Ang Israel ay patuloy sa pagkakasala;mula pa noong sila'y nasa Gibea.Dahil dito'y aabutan siya ng digmaan sa Gibea.
10 Sasalakayin ko ang bayan,at magsasanib ang mga bansa laban sa inyo.Kayo'y pinarusahan ko dahil sa patung-patong na kasalanan.
11 “Ang Efraim ay parang dumalagang bakana sanay at mahilig sa gawang paggiik,ngunit ngayo'y isisingkaw ko na siya;ang Juda ang dapat humila ng araro;at ang Israel naman ang hihila ng suyod.