1 “Nang bata pa ang Israel, siya'y aking minahal,at tinawag ko ang aking anak mula sa Egipto.
2 Ngunit habang siya'y tinatawag ko,lalo naman siyang lumalayo.Lagi na lamang siyang naghahandog sa mga Baal,at nagsusunog ng insenso sa mga diyus-diyosan.
3 Ako ang nagturo kay Efraim na lumakad,inakay ko siya sa kanyang paghakbang;ngunit hindi niya kinilala ang pag-aalaga ko sa kanya.
4 Pinatnubayan ko siya nang buong pagmamalasakitat nang buong pagmamahal.Ang katulad ko'y isang nag-aalis ng busal sa kanilang bibig,at yumuko ako upang sila'y mapakain.