6 Lulusubin ng kaaway ang kanilang mga lunsod,wawasakin ang pampinid sa kanilang mga pinto,at lilipulin sila sa loob ng kanilang mga kuta.
7 Ang bayan ko'y nagpasya nang tumalikod sa akin;kaya't sa pamatok sila'y itinakda,at walang sinumang makakapag-alis nito.
8 “Pababayaan ba kita, Efraim?Ikaw ba'y ibibigay ko sa kaaway, Israel?Maitutulad ba kita sa Adma?Magagawa ko ba sa iyo ang aking ginawa sa Zeboim?Hindi ito kayang gawin ng puso ko;kahabagan ko'y nananaig.
9 Hindi ko ipadarama ang bigat ng aking poot;Hindi ko na muling sisirain ang Efraim.Sapagkat ako'y Diyos at hindi tao,ang Banal na Diyos na nasa kalagitnaan ninyo,at hindi ako naparito upang kayo'y wasakin.
10 “Susundin nila si Yahweh;siya'y uungal na parang leon,at mula sa kanlura'y nanginginig na daratingang kanyang mga anak na lalaki.
11 Nagmamadali silang darating na parang mga ibong mula sa Egipto,at mga kalapating mula sa Asiria.Sa kanilang tahana'y ibabalik ko sila,” sabi ni Yahweh.
12 Sinabi ni Yahweh, “Nililinlang ako nitong si Efraim,at dinadaya ako nitong si Israel.Ang Juda nama'y naghahanap pa rin ng ibang diyos,at kinakalaban ang Banal at Matapat.