4 Sabi ni Yahweh,“Pagagalingin ko na sila sa kanilang kataksilan,mamahalin ko na sila nang walang katapusan,sapagkat napawi na ang galit ko sa kanila.
5 Ako'y matutulad sa hamog na magpapasariwa sa Israel.Mamumulaklak siyang gaya ng liryo,at mag-uugat din siyang tulad ng sedar.
6 Kanyang mga sanga ay darami,gaganda siyang tulad ng puno ng olibo,at hahalimuyak gaya ng kagubatan ng Lebanon.
7 Magbabalik sila at maninirahan sa ilalim ng aking kanlungan.Sila'y yayabong na gaya ng isang halamanan,mamumulaklak na parang puno ng ubas,at ang bango'y tulad ng alak mula sa Lebanon.
8 Efraim, lumayo ka na sa mga diyus-diyosan!Ako lamang ang tumutugon at nagbabantay sa iyo.Ako'y katulad ng sipres na laging luntian,at mula sa akin ang iyong mga bunga.”
9 Unawain ng matalino ang mga bagay na ito,at dapat mabatid ng mga marunong.Matuwid ang mga kaparaanan ni Yahweh,at ang mabubuti'y doon lumalakad,ngunit nadarapa ang mga masuwayin.