2 Sa halip ay laganap ang pagtutungayaw at pagsisinungaling,pagpatay, pagnanakaw at pangangalunya.Nilalabag nila ang lahat ng batasat sunod-sunod ang mga pamamaslang.
3 Kaya't nagdadalamhati ang lupain,nalulumbay ang lahat ng naninirahan dito.Halos malipol ang mga hayop sa parang,ang mga ibon sa papawirin,at ang mga isda sa dagat.
4 “Gayunma'y huwag magbintang ang sinuman,at huwag usigin ang iba,sapagkat ang hinanakit ko'y laban sa inyo, mga pari.
5 Araw at gabi'y lagi kayong nabibigo,at ang propeta'y kasama ninyong bigo.Kaya't lilipulin ko ang Israel na inyong ina.
6 Nalipol ang aking bayan dahil sa kamangmangan;sapagkat itinakwil ninyo ang karunungan,itinatakwil ko rin kayo bilang pari.At dahil kinalimutan ninyo ang kautusan ng inyong Diyos,kalilimutan ko rin ang inyong mga anak.
7 “Habang dumarami ang mga pari,lalo naman silang nagkakasalasa akin;kaya gagawin kong kahihiyan ang kanilang kadakilaan.
8 Yumayaman sila dahil sa kasalanan ng mga tao;nabubusog sila sa kasamaan ng aking bayan.