6 Nalipol ang aking bayan dahil sa kamangmangan;sapagkat itinakwil ninyo ang karunungan,itinatakwil ko rin kayo bilang pari.At dahil kinalimutan ninyo ang kautusan ng inyong Diyos,kalilimutan ko rin ang inyong mga anak.
7 “Habang dumarami ang mga pari,lalo naman silang nagkakasalasa akin;kaya gagawin kong kahihiyan ang kanilang kadakilaan.
8 Yumayaman sila dahil sa kasalanan ng mga tao;nabubusog sila sa kasamaan ng aking bayan.
9 At gayon nga ang nangyayari, kung ano ang pari, gayundin ang bayan.Kaya't paparusahan ko sila at pagbabayarin,dahil sa kanilang kasamaan.
10 Sila'y kakain, ngunit hindi mabubusog;makikipagtalik sila sa mga babae sa templo, ngunit hindi sila magkakaanak;sapagkat itinakwil nila si Yahwehat sila'y bumaling sa ibang mga diyos.”
11 “Ang alak, luma man o bago,ay nakakasira ng pang-unawa.
12 Sumasangguni ang aking bayan sa diyus-diyosang kahoy; itinatanong nila sa haliging kahoy kung ano ang dapat gawin.Sinasagot sila sa pamamagitan ng tungkod.Sila'y iniligaw ng masamang pamumuhay,at ipinagpalit nila sa kahalayan ang kanilang Diyos.