4 Dahil sa kanilang mga ginawa,hindi na sila makapanumbalik sa Diyos.Sapagkat nasa kanila ang espiritu ng kasamaan,at hindi nila nakikilala si Yahweh.
5 Ang kapalaluan ng Israel ay sumasaksi laban sa kanya.Matitisod ang Efraim sa kanyang kasalanan;at kasama niyang matitisod ang Juda.
6 Dadalhin nila ang kanilang mga kawan ng tupa at bakaupang hanapin si Yahweh,subalit siya'y hindi nila matatagpuan;lumayo na siya sa kanila.
7 Naging taksil sila kay Yahweh;kaya't nagkaanak sila sa labas.Masisira ang kanilang mga pananim at sila'y malilipol pagdating ng bagong buwan.
8 “Hipan ang tambuli sa Gibea!Hipan ang trumpeta sa Rama!Ibigay ang hudyat sa Beth-aven!Nasa likuran mo na sila, Benjamin!
9 Mawawasak ang Efraim sa araw ng pag-uusig.Ang ipinapahayag kong ito'y tiyak na mangyayari.
10 “Nangangamkam ng lupa ang mga pinuno ng Juda;binago nila ang palatandaan ng pagbabahagi sa kanilang lupain.Kaya parang bahang ibubuhos ko sa kanila ang aking poot.