7 Naging taksil sila kay Yahweh;kaya't nagkaanak sila sa labas.Masisira ang kanilang mga pananim at sila'y malilipol pagdating ng bagong buwan.
8 “Hipan ang tambuli sa Gibea!Hipan ang trumpeta sa Rama!Ibigay ang hudyat sa Beth-aven!Nasa likuran mo na sila, Benjamin!
9 Mawawasak ang Efraim sa araw ng pag-uusig.Ang ipinapahayag kong ito'y tiyak na mangyayari.
10 “Nangangamkam ng lupa ang mga pinuno ng Juda;binago nila ang palatandaan ng pagbabahagi sa kanilang lupain.Kaya parang bahang ibubuhos ko sa kanila ang aking poot.
11 Ang Efraim ay inaapi at tadtad sa kahatulan,sapagkat patuloy siyang umaasa sa mga diyus-diyosan.
12 Ako'y parang kalawang sa Efraim,at bukbok sa sambahayan ni Juda.
13 “Nang makita ni Efraim ang maselan niyang karamdaman,at ni Juda ang kanyang mga sugat,si Efraim ay nagpasugo sa hari ng Asiria.Subalit hindi na siya kayang pagalingin,hindi na mabibigyang-lunas ang kanyang mga sugat.