1 Nais ko sanang pagalingin ang Israel,ngunit nakikita ko naman ang kabulukan ng Efraim,at ang masasamang gawa ng Samaria.Sila'y manlilinlang, magnanakaw at tulisan.
2 Hindi nila naiisip na hindi ko nakakalimutanang lahat ng kanilang masasamang gawain.Sila'y lipos ng kasamaan,at nakikita ko ang lahat ng ito.”
3 “Napapaniwala nila ang hari sa kanilang kasamaan,at maging ang mga pinuno ay kanilang nalinlang.
4 Lahat sila'y mangangalunya;para silang nag-aapoy na pugonna pinababayaan ng panadero,mula sa panahon ng pagmamasa hanggang sa panahon ng pag-alsa.
5 Nang dumating ang araw ng ating hari,nalasing sa alak ang mga pinuno,at pati ang hari'y nakipag-inuman sa mga manlilibak.
6 Nag-aalab na parang pugon ang kanilang mga puso;pawang kasamaan ang kanilang binabalak.Magdamag na nag-aalimpuyo ang kanilang galit,at kinaumagaha'y nagliliyab na parang apoy.