3 “Napapaniwala nila ang hari sa kanilang kasamaan,at maging ang mga pinuno ay kanilang nalinlang.
4 Lahat sila'y mangangalunya;para silang nag-aapoy na pugonna pinababayaan ng panadero,mula sa panahon ng pagmamasa hanggang sa panahon ng pag-alsa.
5 Nang dumating ang araw ng ating hari,nalasing sa alak ang mga pinuno,at pati ang hari'y nakipag-inuman sa mga manlilibak.
6 Nag-aalab na parang pugon ang kanilang mga puso;pawang kasamaan ang kanilang binabalak.Magdamag na nag-aalimpuyo ang kanilang galit,at kinaumagaha'y nagliliyab na parang apoy.
7 Lahat sila'y parang pugon na nag-iinit sa galit,pinatay nila ang kanilang mga pinuno.Bumagsak ang lahat ng mga hari nila;at wala ni isa mang nakaisip na sa aki'y tumawag.”
8 “Nakikisama ang Efraim sa mga sumasamba sa mga diyus-diyosan;ang katulad nila'y tinapay na hindi lubusang luto.
9 Inuubos ng mga dayuhan ang lakas ni Efraim,ngunit hindi niya ito namamalayan.Pumuputi ang kanyang buhok,at hindi niya ito napapansin.