9 Inuubos ng mga dayuhan ang lakas ni Efraim,ngunit hindi niya ito namamalayan.Pumuputi ang kanyang buhok,at hindi niya ito napapansin.
10 Ang kapalaluan ng Israel ang magpapahamak sa kanila.Gayunman, ayaw nilang manumbalik kay Yahweh na kanilang Diyos,ayaw nilang hanapin ang kanilang Diyos.
11 Ang Efraim ay katulad ng isang kalapati,mangmang at walang pang-unawa;tumatawag sa Egipto, at sumasangguni sa Asiria.
12 Sa kanilang pag-alis, lambat ko sa kanila'y ihahagis,huhulihin ko sila na parang mga ibon sa papawirin.Paparusahan ko sila dahil sa masasama nilang gawain.
13 “Mapapahamak sila dahil sa paglayo sa akin!Lilipulin sila sapagkat naghimagsik sila laban sa akin!Tutubusin ko sana sila,ngunit nagsasalita sila ng kasinungalingan laban sa akin.
14 Tumatangis sila sa kanilang mga higaan,ngunit hindi taos puso ang kanilang pagtawag sa akin.Sinasaktan nila ang sarili dahil sa pagkain at sa alak,pagkatapos ay naghihimagsik sila laban sa akin.
15 Bagama't sinanay ko sila at pinalakas,nagbalak pa sila ng masama laban sa akin.