3 Ngunit tinalikuran na ng Israel ang kabutihan;kaya't hahabulin sila ng kanilang kaaway.
4 “Pumili sila ng mga hari nang wala akong pahintulot;naglagay sila ng mga pinuno, ngunit hindi naman ayon sa aking kagustuhan.Ginawa nilang diyus-diyosan ang kanilang pilak at gintona nagdala sa kanila sa kapahamakan.
5 Kinasusuklaman ko ang guyang sinasamba ng mga taga-Samaria.Napopoot ako sa kanila.Hanggang kailan pa sila mananatili sa karumihan?
6 Ang diyus-diyosang iyan ay mula sa Israel!Ang guyang iyan ay ginawa ng tao, at iya'y hindi Diyos.Ang guya ng Samaria ay magkakadurug-durog.
7 “Naghahasik sila ng hangin,at ipu-ipo ang kanilang aanihin.Ang mga nakatayong trigo'y walang uhay,kaya't walang makukuhang harina.At kung magbunga man iyon,kakainin lamang ng mga dayuhan.
8 Nilalamon na ang Israel;naroon na sila sa gitna ng mga bansabilang kasangkapang walang kabuluhan.
9 Sapagkat naparoon sila sa Asiria,gaya ng asnong naggagalang mag-isa.Ang Efraim nama'y umupa ng mga mangingibig.