6 Ang diyus-diyosang iyan ay mula sa Israel!Ang guyang iyan ay ginawa ng tao, at iya'y hindi Diyos.Ang guya ng Samaria ay magkakadurug-durog.
7 “Naghahasik sila ng hangin,at ipu-ipo ang kanilang aanihin.Ang mga nakatayong trigo'y walang uhay,kaya't walang makukuhang harina.At kung magbunga man iyon,kakainin lamang ng mga dayuhan.
8 Nilalamon na ang Israel;naroon na sila sa gitna ng mga bansabilang kasangkapang walang kabuluhan.
9 Sapagkat naparoon sila sa Asiria,gaya ng asnong naggagalang mag-isa.Ang Efraim nama'y umupa ng mga mangingibig.
10 Bagama't humingi sila ng tulong sa ibang mga bansa,ngayo'y titipunin ko silang lahat.Hindi magtatagal at sila'y daraingdahil sa pahirap ng hari at ng mga pinuno.
11 “Ang mga altar na ginawa sa Efraim,ang siya ring nagparami ng inyong mga sala.
12 Sumulat man ako ng sampung libong kautusan,ito'y pagtatawanan lang nila at tatanggihan.