10 “Ang Israel ay tulad ng mga ubas sa ilang,gayon sila noong una kong matagpuan.Parang unang bunga ng puno ng igos,nang makita ko ang iyong mga magulang.Ngunit nang magpunta sila sa Baal-peor,sila'y naglingkod sa diyus-diyosang si Baal,at naging kasuklam-suklam gaya ng diyus-diyosang kanilang inibig.
11 Ang kaningningan ng Efraim ay maglalaho, para itong ibong lumipad na palayo.Wala nang isisilang, walang magdadalang-tao, at wala na ring maglilihi.
12 At kahit pa sila magkaroon ng mga anak,kukunin ko ang mga ito hanggang sa walang matira.Kahabag-habag silakapag ako'y lumayo na sa kanila!
13 Gaya ng aking nakita, ang mga anak ni Efraim ay nakatakdang mapahamak.Mapipilitan ang kanilang ama na dalhin sila sa patayan.”
14 O Yahweh, bigyan mo po sila ng mga sinapupunang baogat ng mga susong walang gatas.
15 “Lahat ng kanilang kasamaan ay nagpasimula sa Gilgal;doon pa ma'y kinapootan ko na sila.Dahil sa kasamaan ng kanilang gawainsila'y palalayasin ko sa aking tahanan.Hindi ko na sila mamahalin pa;mapaghimagsik ang lahat ng kanilang mga pinuno.
16 Mapapahamak ang Efraim,tuyo na ang kanyang mga ugat;hindi na sila mamumunga.At kung magbunga ma'y papatayin koang pinakamamahal nilang mga supling.”