11 Ang kaningningan ng Efraim ay maglalaho, para itong ibong lumipad na palayo.Wala nang isisilang, walang magdadalang-tao, at wala na ring maglilihi.
12 At kahit pa sila magkaroon ng mga anak,kukunin ko ang mga ito hanggang sa walang matira.Kahabag-habag silakapag ako'y lumayo na sa kanila!
13 Gaya ng aking nakita, ang mga anak ni Efraim ay nakatakdang mapahamak.Mapipilitan ang kanilang ama na dalhin sila sa patayan.”
14 O Yahweh, bigyan mo po sila ng mga sinapupunang baogat ng mga susong walang gatas.
15 “Lahat ng kanilang kasamaan ay nagpasimula sa Gilgal;doon pa ma'y kinapootan ko na sila.Dahil sa kasamaan ng kanilang gawainsila'y palalayasin ko sa aking tahanan.Hindi ko na sila mamahalin pa;mapaghimagsik ang lahat ng kanilang mga pinuno.
16 Mapapahamak ang Efraim,tuyo na ang kanyang mga ugat;hindi na sila mamumunga.At kung magbunga ma'y papatayin koang pinakamamahal nilang mga supling.”
17 Itatakwil sila ng aking Diyossapagkat hindi sila nakinig sa kanya;sila'y magiging palaboy sa maraming mga bansa.