3 Hindi sila mananatili sa lupain ni Yahweh;subalit ang Efraim ay magbabalik sa Egipto,at kakain sila sa Asiria ng mga pagkaing nagpaparumi at ipinagbabawal.
4 Hindi na sila papayagang maghandog ng alak kay Yahweh,at hindi naman siya malulugod sa kanilang mga handog.Ang pagkain nila'y matutulad sa pagkain ng namatayan;magiging marumi ang lahat ng kakain nito.Sapagkat ang pagkain nila'y para lamang sa kanilang katawan;hindi iyon maihahandog sa Templo ni Yahweh.
5 Ano ang gagawin mo sa araw ng itinakdang kapistahan,at sa araw ng kapistahan ng pagdiriwang para kay Yahweh?
6 Makatakas man sila sa pagkawasak,titipunin rin sila ng Egipto,at ililibing sa Memfis.Matatakpan ng damo ang kanilang mga kagamitang pilak;at tutubuan ng dawag ang mga tahanan nilang wasak.
7 Dumating na ang mga araw ng pagpaparusa,sumapit na ang araw ng paghihiganti;ito'y malalaman ng Israel.Ang sabi ninyo, “Mangmang ang isang propeta,at ang lingkod ng Diyos ay baliw!”Totoo iyan sapagkat labis na ang inyong kasamaan,at matindi ang inyong poot.
8 Ang propeta'y siyang bantay sa Efraim, ang bayan ng aking Diyos,ngunit may bitag na laging sa kanya'y nakaumang,at kinapopootan siya maging sa templo ng kanyang Diyos.
9 Nagpakasamang lubha ang aking bayangaya ng nangyari sa Gibea.Gugunitain ng Diyos ang kanilang kalikuan,at paparusahan ang kanilang mga kasalanan.