5 Ano ang gagawin mo sa araw ng itinakdang kapistahan,at sa araw ng kapistahan ng pagdiriwang para kay Yahweh?
6 Makatakas man sila sa pagkawasak,titipunin rin sila ng Egipto,at ililibing sa Memfis.Matatakpan ng damo ang kanilang mga kagamitang pilak;at tutubuan ng dawag ang mga tahanan nilang wasak.
7 Dumating na ang mga araw ng pagpaparusa,sumapit na ang araw ng paghihiganti;ito'y malalaman ng Israel.Ang sabi ninyo, “Mangmang ang isang propeta,at ang lingkod ng Diyos ay baliw!”Totoo iyan sapagkat labis na ang inyong kasamaan,at matindi ang inyong poot.
8 Ang propeta'y siyang bantay sa Efraim, ang bayan ng aking Diyos,ngunit may bitag na laging sa kanya'y nakaumang,at kinapopootan siya maging sa templo ng kanyang Diyos.
9 Nagpakasamang lubha ang aking bayangaya ng nangyari sa Gibea.Gugunitain ng Diyos ang kanilang kalikuan,at paparusahan ang kanilang mga kasalanan.
10 “Ang Israel ay tulad ng mga ubas sa ilang,gayon sila noong una kong matagpuan.Parang unang bunga ng puno ng igos,nang makita ko ang iyong mga magulang.Ngunit nang magpunta sila sa Baal-peor,sila'y naglingkod sa diyus-diyosang si Baal,at naging kasuklam-suklam gaya ng diyus-diyosang kanilang inibig.
11 Ang kaningningan ng Efraim ay maglalaho, para itong ibong lumipad na palayo.Wala nang isisilang, walang magdadalang-tao, at wala na ring maglilihi.