8 Ang propeta'y siyang bantay sa Efraim, ang bayan ng aking Diyos,ngunit may bitag na laging sa kanya'y nakaumang,at kinapopootan siya maging sa templo ng kanyang Diyos.
9 Nagpakasamang lubha ang aking bayangaya ng nangyari sa Gibea.Gugunitain ng Diyos ang kanilang kalikuan,at paparusahan ang kanilang mga kasalanan.
10 “Ang Israel ay tulad ng mga ubas sa ilang,gayon sila noong una kong matagpuan.Parang unang bunga ng puno ng igos,nang makita ko ang iyong mga magulang.Ngunit nang magpunta sila sa Baal-peor,sila'y naglingkod sa diyus-diyosang si Baal,at naging kasuklam-suklam gaya ng diyus-diyosang kanilang inibig.
11 Ang kaningningan ng Efraim ay maglalaho, para itong ibong lumipad na palayo.Wala nang isisilang, walang magdadalang-tao, at wala na ring maglilihi.
12 At kahit pa sila magkaroon ng mga anak,kukunin ko ang mga ito hanggang sa walang matira.Kahabag-habag silakapag ako'y lumayo na sa kanila!
13 Gaya ng aking nakita, ang mga anak ni Efraim ay nakatakdang mapahamak.Mapipilitan ang kanilang ama na dalhin sila sa patayan.”
14 O Yahweh, bigyan mo po sila ng mga sinapupunang baogat ng mga susong walang gatas.