1 Ang aklat na ito ay naglalaman ng mga pahayag ni Mikas na isang taga-Moreset. Noong panahon ng paghahari sa Juda ni Haring Jotham, Haring Ahaz, at Haring Hezekias, sinabi sa kanya ni Yahweh ang mga pahayag tungkol sa Samaria at sa Jerusalem.
2 Pakinggan ninyo ito, mga bansa,kayong lahat na naninirahan sa buong daigdig.Ang pahayag ng Panginoong Yahweh laban sa inyo ay pakinggan.Siya'y nagsasalita buhat sa kanyang banal na templo.
3 Lalabas si Yahweh mula sa kanyang dakong banal.Bababâ at maglalakad sa mga sagradong bundok.
4 Sa sandaling yapakan niya ang mga bundok,ang mga ito'y matutunaw.At ang mga libis ay mabibiyak na gaya ng kandilang nadarang sa init ng apoy,gaya ng tubig na aagos mula sa burol.
5 Ang lahat ng ito'y magaganap dahil sa pagsuway ng lahi ni Jacob,dahil sa mga kasalanan ng sambahayan ni Israel.Sino ang dapat sisihin sa paghihimagsik ng Israel?Walang iba kundi ang Samaria!Sino ang sumamba sa mga diyus-diyosan?Walang iba kundi ang mga taga-Jerusalem!