9 Sapagkat ang sugat ng Samaria ay hindi na gagaling.Ito rin ay kakalat sa buong Juda;papasok sa pinto ng Jerusalemna tirahan ng aking bayang pinili.
10 Huwag ninyong ibalita sa Gat ang ating pagkatalo.Huwag ninyong ipapakita sa kanya ang inyong pagtangis.Sa bayan ng Afra kayo maglupasay.
11 Mga taga-Safir, magpabihag kayo,at hayaan ninyong kayo'y itapong nakahubadat kahiya-hiya ang kalagayan.Mga taga-Zaanan, huwag kayong umalis sa inyong lunsod.Sa pamimighati ng Bethezel,malalaman ninyong hindi na ito maaaring pagkanlungan.
12 Ang mga taga-Marot ay nababalisang hinihintay ang saklolo,sapagkat malapit na sa Jerusalem ang kapahamakang ipinadala ni Yahweh.
13 Kayong mga taga-Laquis,isingkaw ninyo sa mga karwahe ang mabibilis na kabayo.Sapagkat tinularan ninyo ang mga kasalanan ng Israel,at kayo ang nag-akay upang magkasala ang Jerusalem.
14 At ngayon, mga taga-Juda, magpaalam na kayosa bayan ng Moreset-Gat.Walang maaasahang tulong ang mga hari ng Israelmula sa bayan ng Aczib.
15 Mga taga-Maresa, ipapasakop kayo ni Yahweh sa inyong kaaway.Ang mga pinuno ng Israel ay tatakasat magtatayo sa yungib ng Adullam.