3 Siya ang mamamagitan sa mga bansa,at magpapairal ng katarungan sa lahat ng lahi.Kaya't gagawin nilang talim ng araro ang kanilang mga tabak,at karit naman ang kanilang mga sibat.Mga bansa'y di na mag-aaway,at sa pakikidigma'y di na magsasanay.
4 Sa halip, bawat tao'y mamumuhay nang payapasa kanyang ubasan at mga puno ng igos.Wala nang babagabag sa kanila,sapagkat ito ang pangako ni Yahweh na Makapangyarihan sa lahat.
5 Kahit na magpatuloy sa pagsamba sa kanilang mga diyus-diyosan ang lahat ng bansa, kami'y kay Yahweh na aming Diyos lamang sasamba magpakailanman.
6 Sinabi pa ni Yahweh, “Darating ang panahong titipunin ko ang mga napilayan at ang mga binihag, gayundin ang aking mga pinarusahan.
7 Ang mga pilay na nalabi ay bibigyan ko ng bagong buhay, at ang mga itinapon ay gagawin kong isang malakas na bansa. Akong si Yahweh, ang maghahari sa kanila buhat sa Bundok ng Zion sa araw na iyon at magpakailanman.”
8 At tungkol naman sa iyo, burol ng Zion, kung saan binabantayan ng Diyos ang kanyang bayan gaya ng isang pastol, ikaw ay muling magiging sentro ng kaharian katulad noon.
9 Bakit ka dumaraing nang malakas? Wala na bang haring mangunguna sa iyo? Namatay na ba ang tagapayo mo, kaya't namimilipit ka sa sakit tulad ng isang babaing malapit nang manganak?