8 At ang mga Israelitang naiwan sa mga bansa ay magiging parang leon na maghahanap ng pagkain sa kagubatan. Lulusubin nila ang mga kawan ng tupa, at lalapain sila; walang sinumang makakapagligtas sa mga tupa.
9 Sasakupin at papatayin ng Israel ang kanyang mga kaaway.
10 “At sa araw na iyon,” sabi ni Yahweh, “aalisan ko kayo ng mga kabayo at sisirain ko ang inyong mga karwahe.
11 Gigibain ko ang inyong mga lunsod at ibabagsak ang matitibay ninyong tanggulan.
12 Wawasakin ko ang inyong mga agimat at mawawala na rin ang mga manghuhula.
13 Wawasakin ko ang inyong mga diyus-diyosan at mga haliging itinuturing ninyong sagrado, at hindi na kayo sasamba sa ginawa ng inyong mga kamay.
14 Dudurugin ko rin ang inyong mga diyus-diyosang Ashera at iguguho ang inyong mga lunsod.