11 itoʼy isang sakit na paulit-ulit at nakakahawa. Kaya ipapahayag ng pari na marumi siya. Hindi na kailangang ibukod pa siya para suriin dahil tiyak nang marumi siya.
12 Kung sa pagsusuri ng pari ay kumalat na ang sakit sa buong katawan ng tao,
13 kailangan pa rin niya itong suriing mabuti. At kung talagang kumalat na nga sa buong katawan ang sakit, at namumuti na ang lahat ng kanyang balat, ipapahayag ng pari na siyaʼy malinis.
14-15 Pero kung sa pagsusuri ng pari ay nagkakasugat na ang kanyang sakit sa balat, ipapahayag niya na ang taong itoʼy marumi at may sakit sa balat na nakakahawa. At ang lumalabas sa sugat ay ituturing na marumi.
16 Ngunit kung gumaling ang sugat at pumuti ang balat, muli siyang magpapasuri sa pari.
17 At kung makita ng pari na talagang magaling na ito, ipapahayag ng pari na malinis na siya.
18 Kung ang isang taoʼy may bukol na gumaling,