2 na sabihin ito sa mga taga-Israel:Ako ang Panginoon na inyong Dios.
3 Huwag nʼyong gawin ang mga ginagawa ng mga taga-Egipto, kung saan kayo tumira noon. Huwag din ninyong gayahin ang mga ginagawa ng mga taga-Canaan na pagdadalhan ko sa inyo.
4-5 Dapat ninyong sundin ang aking mga utos at mga tuntunin dahil ang mga susunod dito ay mabubuhay. Ako ang Panginoon na inyong Dios.
6 Huwag kayong sumiping sa malapit ninyong kamag-anak. Ako ang Panginoon.
7-8 Huwag mong ilagay sa kahihiyan ang iyong ama sa pamamagitan ng pagsiping sa iyong ina o sa iba pa niyang asawa.
9 Huwag kang sumiping sa iyong kapatid na babae, kahit na kapatid mo siya sa ama o sa ina, kahit na lumaki siya sa inyo o hindi.
10 Huwag kang sumiping sa iyong apong babae dahil magbibigay ito sa iyo ng kahihiyan.