Leviticus 24:1-4 ASND

1-4 Sinabi ng Panginoon kay Moises na iutos ito sa mga Israelita:Magdala kayo ng purong langis mula sa pinigang olibo para sa ilaw na nasa labas ng kwarto kung saan nakalagay ang Kahon ng Kasunduan doon sa Toldang Tipanan, para patuloy itong magningas sa presensya ng Panginoon. Sisindihan ito ni Aaron tuwing takip-silim at patuloy na pagniningasin hanggang sa umaga. Dapat tiyakin na laging nagniningas ang mga ilaw sa patungang ginto nito. Dapat ninyong sundin ang tuntuning ito, kayo at ng susunod pang mga henerasyon.

Basahin ang kumpletong kabanata Leviticus 24

Tingnan Leviticus 24:1-4 sa konteksto