1 Inutusan ng Panginoon si Moises
2 na sabihin ito sa mga Israelita:Kung ang isang tao ay inihandog sa Panginoon bilang pagtupad sa isang panata, ang taong iyon ay maaari pang matubos sa panatang iyon,
3-7 kung babayaran niya ng pilak, ang kanyang halaga ay kinakailangang ayon sa bigat ng pilak sa timbangang ginagamit ng mga pari:Sa edad na isang buwan hanggang apat na taonlalaki: limang pirasong pilakbabae: tatlong pirasong pilakSa edad na lima hanggang 19 na taonlalaki: 20 pirasong pilakbabae: sampung pirasong pilakSa edad na 20 hanggang 59 na taonlalaki: 50 pirasong pilakbabae: 30 pirasong pilakSa edad na 60 taon pataaslalaki: 15 pirasong pilakbabae: sampung pirasong pilak.
8 Kung dukha ang nagpanata at hindi kayang magbayad ng nasabing halaga, dadalhin niya sa pari ang taong ipinanata niyang ihahandog sa Panginoon, at ang pari ang siyang magbibigay ng halaga ayon sa makakayanan ng tao.
9 Kung ang panatang handog ay hayop na maaaring ihandog sa Panginoon, ang hayop na iyon ay sa Panginoon na.